Ang Layunin ng Samahan:
Ang samahan na ito ay itinatag ayon sa batas at ayon sa
pananalig ng International Covenant on Civil and Political
Rights, isang samahang panglipunan na ang layunin ay hindi
para kumita ng pera kundi para tumulong bilang tagasalin,
sa mga taong may kaso sa hukuman sa ating bansa at may suliranin
dahil sa pagkakaiba ng wika.
Ang Gawain ng Samahan:
Ayon sa pananalig ng International Covenant on Civil and
Political Rights at sa kahulugan ng International Covenant
on Civil and Political Rights at International Covenant on
Economic Social and Cultural Rights ng ating bansa, ang mahalagang
gawain ng samahan ay:
1. Ipagsulong ang kapaligirang may katarungan sa wika sa
mga deparmentong may kaugnayan sa mga kaso sa hukuman sa loob
ng ating bansa, at tulungan ang mga kagawaran ng pamahalaan
sa pag-aasikaso ng mga kasong bukod sa hukuman sa loob ng
bansa.
2. Pangalagaan ang pangunahing karapatan ng mga taong nasa
loob ng ating bansa na hindi nakakaintindi ng salita sanhi
ng kaibahan ng wika.
3. Pagbutihin at itaas ang kwalidad ng kawastuhan, kahusayan
at mapagpapaniwalaan na pagsasalin na ginagawa ng mga tagasalin
sa mga kaso sa hukuman.
4. Ipaglaban ang mga nararapat na karapatan ng mga may kinalaman
sa gawaing tagapagsalin sa hukuman.
5. Pangalagaan at itaguyod ang isang maayos at buong sistema
ng mga tagasalin sa hukuman.
Mga iba pang Gawain ng Samahan:
1. Tumulong sa Pamahalaan sa gawaing pagsasalin sa pagpapalaganap
ng mga tulong sa pagsasanay sa kabuhayan ng mga taong hindi
nakakaintindi ng salita sanhi ng kaibahan ng wika.
2. Tumulong sa pagsasalin ng salita sa mga serbisyong pampubliko
sa lipunan.
|